Nanguna si Janet Jackson sa kinilala ng Rock and Roll Hall of Fame ngayong taon.
Kasama ng pop icon na kinilala ang bandang Radiohead, Def Leppard, Stevie Nicks, The Zombies at Roxy Music.


Hindi na nagtanghal pa ng anuman ang singer matapos ang paglabas ng documentary tungkol sa pang-aabuso ng pumanaw na kapatid na si Michael.


Itinuturing na isang milagro ng bandang Def Leppard ang pagkilala habang hindi na nakarating ang lead singer ng Radiohead na si Thom Yorke.

Maging ang bandang Zombies ay nasiyahan sa pagkilala sa kanila dahil sa tagal nila sa music industry ay ngayon lamang sila nakilala.