Binasag na ni martial arts icon at veteran actor Jackie Chan ang kaniyang katahimikan sa nagaganap na kilos-protesta sa Hong Kong.
Ayon sa 65-anyos na actor, labis itong nalulungkot at umaasang maibalik na agad ang kapayapaan sa siyudad.
Napilitan itong magsalita matapos ang napabalitang paghahanda ng mga sundalo mula sa China para matigil na ang gulo sa Hong Kong.
Nilinaw nito na bilang Chinese at Hong Kong citizen ay pantay nitong nirerepresenta ang bawat isa.
Miyembro rin ito ng Chinese People’s Political Consultative Conference, ang legislative advisory body ng Beijing na binubuo ng karamihang miyembro ng Chinese Communist party.
Hindi naman kinagat ng maraming mamamayan ng Hong Kong ang apela ni Chan at sinabing naiinis sila sa nasabing actor.
Mas iniidolo raw nila si Bruce Lee dahil matapang pa itong komontra sa ilang batas ng China noong nabubuhay pa.