Naging emsoyonal ang actress na si Iza Calzado matapos na ito ay magdonate ng kaniyang dugo para makatulong sa ibang mga pasyente.

Isinagawa ng actress ang pag-donate ng dugo ilang buwan matapos na gumaling ito sa coronavirus.

Makikita sa kaniyang social media post na hawak ng actress ang bag ng dugo na nakuha sa kaniya mula sa Philippine General Hospital.

Itinuturing nito na isa itong pinakamalaking regalo na kaniyang maibibigay sa mga nadadapuan ng COVID-19.

Magugunitang noong March 28 ng ianunsiyo ng actress na nadapuan ito ng virus at ito ay na-ospital.

Nauna rito ilang mga celebrities at politiko na rin na nadapuan ng coronavirus ang nagdonate ng kanilang plasma matapos na gumaling na kinabibilangan ng beteranong actor Christopher de Leon, Senator Sonny Angara at Migz Zubiri.