-- Advertisements --

Muling itinakbo sa pagamutan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ito ay para maisayos ang nakalagay na pacemaker sa kaniyang katawan.

Sinabi naman ng mga doctor sa Sheba Medical Center na naging mabuti ang kalagayan nito.

Nataon na ang pagtakbo sa kaniya sa pagamutan ay naganap ilang araw bago ang botohan sa parliyamento para baguhin ang ilang laman ng batas.

Sa inilabas nitong video ay sinabi niya na naging magaling na siya at walang dapat ikabahala subalit nararapat na sundin pa rin ang payo ng mga doctor.