-- Advertisements --

Kinumpirma ng Israel Defense Forces ang pangalawang pagsabog sa Falluja ang katabi ng Jabalya refugee camps sa Gaza na kanilang binomba nitong Martes.

Paliwanag nila na mayroon silang nakuhang impormasyon na ang nasabing lugar ay doon nagkukuta ang mga Hamas terrorists.

Gamit ng Israel ang kanilang fighter jets at pinaulanan ng missiles ang nasabing lugar.

Maraming mga Hamas terrorist ang nasawi sa nasabing insidente.

Hindi naman nila binanggit kung ilang mga sibilyan ang nadamay.

Lahat aniya ay kanilang ginagawan ng paraan para mapalaya ang mahigit na 200 na bihag ng mga Hamas militants.

Mula ng buksan ang Rafah crossing ay umabot na sa halos 500 na foreign nationals ang nakatawid sa Egypt.