-- Advertisements --

Nagbabala ang Israel na kanilang muling aatakihin ang Iran kapag nagtangka itong buhayin ang kanilang nuclear at ballistic missiles program.

Ayo kay Eli Cohen, ang energy minister ng Israel, na kahit na nagkaroon ito ng kasunduan sa US basta ginawa ang muling pagbuhay ng nuclear program nito ay kaniya nila itong aatakihin.

Hindi aniya nila itong aatakihin kapag mananahimik na lamang ang Iran at hindi na bubuhayin pa nito ang kanilang nuclear program.

Tiniyak nito na kanilang babantayan ang Iran kung saan inaasahan na sa loob ng dalawa hanggang apat na taon ay may posibilidad na maibalik ang nuclear program.