-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Israel ang dami ng mga nasasawing sibliyan sa Hamas.

Ayon sa Israel Defense Forces na ang nasabing bilang ay nagpapatunay na nagiging matagumpay ang kanilang paglaban sa Hamas forces.

Sa loob kasi ng mahigit 10 linggo ay aabot na sa halos 20,000 katao na ang nasawi, maraming mga gusali ang nasira at mahigit 50,000 katao rin ang sugatan.

Layon kasi ng nasabing matinding military operations nila ay ang tuluyang sugpuin ng Hamas.

Magugunitang hinikayat ng US ang Israel na bawasan na ang matinding military operations nila sa Gaza dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nadadamay na sibilyan.

Naglabas naman ng galit at pagkadismaya ang maraming humanitarian agencies dahil sa kulang na tulong na ang pinapayagang makapasok sa Gaza Strip.

Inilabas nila ang pahayag ilang araw bago ang muling gagawing botohan sa UN Security Council sa resolusyon na nananawagan ng ceasefire.