CAUAYAN CITY- Naitala ang pangalawang COVID-19 related death sa Cabatuan, Isabela na isang Barangay Kapitan
Sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan kay Mayor Charlton Uy sinabi niya na dahil rito ay nagsagawa na sila ng pagupulong kaugnay sa kanilang ipapatupad na restriction o paghihigpit.
Nahawa ang Barangay Kapitan sa kanyang balae na isang district supervisor na residente ng Lunsod ng Cauayan na nauna ng nasawi dahil rin sa COVID 19.
Aniya, nagawa pang madala sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang naturang pasyente.
Buong akala umano niya ay bumubuti na ang kalagayan nito dahil sa lumuluwag na ang kaniyang paghinga subalit nitong umaga ng iulat sa kaniya ng kanilang Barangay Kagawad na binawian na ng buhay ang naturang pasyente sa pagamutan.
Sa kasalukuyan ay nasa pagamutan na ang anak niya, habang nasa quarantine naman ang kanyang asawa at lahat ng mga malapit sa kanya ay nasuri na at lumalabas na nasa tatlo hanggang apat na indibiduwal ang kanyang nahawaan.
Dahil dito ay magpapatupad si Mayor Uy ng ilang pagbabago o restriction sa mga ipinapatupad na panuntunan.
Bilang hakbang nagtalaga sila ng dalawang health center para maging quarantine area sa bahagi ng Lapaz at Canan.
Itinagala naman ang barangay Nueva Era para sa mga sumasailalim sa Antigen Test.
Itinalaga rin ang Diamantina at Social hall para sa mga LSI at ROF kung saan may magkahiwalay na gusali para sa mga magpopositibo .