-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Toledo City Risk Reduction and Management Office personnel kasama ang iba pang mga kinauukulang ahensiya kaugnay sa nangyaring landslides sa isang mining site na Carmen Copper Corporation.

mining open pit Cebu Toledo

Una nito, isang open-pit mining ng naturang kompaniya sa Brgy. Biga sa lungsod ng Toledo ang umano’y bumigay dahil sa naranasang sunod-sunod na pag-ulan nitong nakaraang mga buwan at dahil na rin sa epekto ng bagyong Vicky.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay 3rd District Provincial Board Member Jhon Esmael Borgonia inihayag nito na batay sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad nasa dalawang indibidwal ang naiulat na namatay, walo ang missing samantalang 11 ang dinala sa hospital at nasa tinatayang anim hanggang pito na mga backhoe ang natabunan.

Ayon kay Borgonia na nakita mismo nito ang mining area at patuloy pa ang search and rescue operation sa mga trabahante na apektado sa pangyayari.

Napag-alaman na nasa 80 taon nang nag-operate ang naturang minahan kung saan pinahinto umano ito noon dahil sa nangyaring kahalintulad na insidente.