CAUAYAN CITY- Patuloy ang operasyon ng mga otoridad sa JESA complex (Southern Isabela) para tugusin mga nalalabing miyembro ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG) na kinabibilangang ni Alays Popoy, nakatalaga bilang logistics ng squad uno ng RSDG
Si Alyas Popoy ay katutubong Agta na nagbalik loob sa pamahalaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Ali Alejo ang commander ng 86th Infantry Battalion, sinabi niya na maliban sa kanilang operasyon laban sa mga rebelde ay patuloy parin ang pagpapatupad nila ng ibat ibang programa ng militar katuwang ang LGUs maging ang mahigpit na pagmomonitor sa health protocols upang mapigilan ang paglaganap ng virus.
Sinabi niya na si Alyas Popoy ay isa lamang mula sa 10 katutubong agta na nahikayat ng grupo ni Alyas Andong na nauna ng nasawi sa isang operasyon ng militar at pulisya sa San Agustin, Isabela.
Ayon sa paghahayag ni Alyas popoy pinaniwala sila nina Alyas Andong na magkakaroon ng maayos na kabuhayan sa pamamagitan ng pagsapi niya sa kilusang rebelde.
Siya ay kusang nagbalik loob at nakipag ugnayan sa detachment ng 86th IB sa barangay Rizal.
Patuloy ang panawagan ni Lt.Col. Alejo sa nalalabing mga kasamahan ni Alyas Popoy na sumuko na sa pamahalaan.
Dahil anya sa kakulangan sa kaalaman ay pinupuntirya ng New Peoples Army ang mga katutubong Agta upang malinlang at mahikayat na sumapi sa kanilang hanay.
Sa kasalukuyan ay may 14 ng rebel returnees ang hawak ngayon ng 86th IB at pangatlo si alyas Popoy na katutubong Agta na nasa kanilang pangangalaga.