Isang ina ang isasabak ng Colombia sa 72nd Miss Universe pageant sa El Salvador sa darating ng Nobyembre.
Si Camilia Avella na may anak na dalawang-taon gulang na babae ay nangibabaw sa 23 contestants ng Miss Universe Colombia na ginanap sa Puerta de Oro Centro de Eventos del Caribe sa Baranquilla, Colombia nitong Setyembre 3.
Ang 27-anyos na model at TV presenter ay pangatlong babaeng Colombian na susubukang makuha ang Miss Universe title.
Na unang Colombian beauty queen ay nakuha ni Luz Marina Zuluaga noong 1958 at si Paulina Vega noong 2014.
Hindi lamang siya ang unang ina na sasabak sa Miss Universe pageant ngayong taon dahil mayroong isasabak din ang Guatemala sa katauhan ni Michelle Cohn.
Magugunitang pinayagan ng Miss Universe Organization (MUO) na sumali ang mga ina at kasal na sa nasabing international pageant ngayong taon.
Ang nasabing pagbabago ay ipinatupad mula ng mabili ni Thai media mogul Anna Jakrajutatip ang nasabing kumpanya noong Oktubre.