-- Advertisements --

Nahaharap ngayong sa batikos ang isang bayan sa Japan dahil sa pagtatayo nila ng rebolto higanteng pusit.

Makikita ang 43 talampakan na rebolto ng pusit sa daungan ng Noto na nagkakahalaga umano ng $228,500 mula sa emergency funding ng gobyerno.

Paliwanag ng mga otoridad na isang pangmatagalang plano ang nasabing ideya para maibalik ang sigla ng turismo.

Nakatanggap kasi ng $7.3-M bilang national grants para sa emergency economic boost na apektado ng COVID-19 pandemic.

Magugunitang nakakaranas ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang Japan kung saan idineklara ang state of emergency sa ilang lugar.