-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 29 na panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 7 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, 6 sa Santiago City,3 sa Echague, tig-dadalawa sa lunsod ng Cauayan at mga bayan ng Angadanan, San Isidro, at San Mariano habang tig-iisa sa Gamu, Reina Mercedes, Naguilian, Roxas at Ramon.

Magandang balita naman dahil 140 ang naidagdag sa gumaling kaya bumaba sa 334 ang aktibong kaso sa Isabela.

Lima ang Returning Overseas Filipinos, 6 ang non-authorized persons outside residence ,37 ang Health Worker, 3 ang pulis at 283 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.