Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa sikat na miyembro ng Everly brothers na si Donald sa edad 84.
Hindi na nagbigay pa ng detalye ang kaanak nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ng nasabing singer.
Isinilang si Isaac Donald “Don” Everly noong Pebrero 1, 1937 sa Brownie, Kentucky na anak ng mga musician na sina Ike at Margaret Everly habang ang kapatid nito na si Phil ay ipinanganak matapos ang dalawang taon.
Sa kalagitnaan ng dekada 50 ng unang inilabas ng magkapatid na ang kanta nilang “Bye, Bye Love” na noong 1957 ay naging No. 2 sa US Billboard pop charts.
Ilan pa sa mga kantang pinasikat ng dalawa ay ang “All I Have to Do si Dream”, “Wake Up Little Susie”, “Devoted To You” at maraming iba pa.
Ang kapatid nitong si Phil ay pumanaw noong 2014 sa edad 74.