-- Advertisements --

Nakapagtala na ng isang patay at umakyat na sa 52 ang sugatan sa nangyaring pagguho ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte, Bulacan sa kasagsagan ng misa para sa Ash Wednesday ngayong araw.

Ayon kay Mayor Arthur Robes, kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na si Luneta Morales, 80 taong gulang, na hindi na nakaligtas pa sa naturang insidente matapos na magtamo ng malaking pinsala nang dahil sa pagbagsak ng naturang simbahan.

Habang sinabi naman ni City Disaster Risk Reduction Management Office head Gina Ayson, dagsa ang mga tao sa naturang simbahan at marami rin ang nakapila para sa magpapahid ng abo nang mangyari an naturang insidente.

Sabi ni Parish priest Romulo Perez, dati nang infested ng anay ang ikalawang palapag ng naturang simbahan na gawa sa kahoy.

Matatandaang batay sa ulat ng San Jose del Monte Public Information Office, lagpas alas-7:00 ng umaga nangyaring ang nasabing pagguho na agad namang nirespondehan ng mga kinauukulan.

Dahil dito ay agad na ipinag-utos ang pansamantalang pagpapasara sa simbahan para magbigay daan naman sa gagawing assessment ng city engineering and building officials sa gusali