-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ng NBA na isa pang player ang panibagong nagpositibo dahil sa COVID-19.
Hindi naman pinangalanan ng liga at ng NBPA kung sino ang naturang player.
Sinasabing nangangamba ang NBA na makaantala sa ilang games kung patuloy pa rin ang hawaan.
Kabilang na sa naapektuhan ay ang Indiana Pacers na haharapin ang Charlotte Hornets sa play-in round na wala si Caris LeVert dahil sa isyu ng health at safety protocols.
Una nang sinabi ni Adam Silver na umaabot na sa 70% na mga NBA players at team staff ang natapos na ring bakunahan.