-- Advertisements --

Bumida sina Kyrie Irving na may 40 points at si Jeff Green na nagsalba sa dalawang free throws ang nagbigay panalo sa Brooklyn Nets laban sa New York Knicks, 114-112

Ito ay sa kabila na hindi natapos ng isa pa nilang superstar na si James Harden ang laro.

Sa kanyang pagbabalik, inabot lamang si Harden ng apat na minutos matapos magkaroon muli ng injury sa right hamstring.

Swerte naman na naipasok ni Green ang free throw na may 3.7 seconds na lang ang nalalabi sa game.

Sina Blake Griffin at Kevin Durant ay hindi pa rin nakakalaro.

Hawak na ngayon ng Nets ang record na 35-16, habang may 25-26 kartada naman ang Knicks.