-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng anim na taon at tatlong buwan ang Iranian rapper na si Toomaj Salehi.
Si Salehi ay inaresto noong Oktubre dahil sa pagsuporta sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa Iran.
Matapos ang 252 na araw bilang solitary confinement ay ililipat na siya sa general sections ng kulungan.
Una na itong kinasuhan ng krimen na may hatol na parusang kamatayan kabilang ang “propagandistic activity” laban sa gobyerno.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta sa Iran dahil sa pagkasawi ng 22-anyos na dalaga na si Mahisa Amini na unang inaresto dahil sa hindi tamang pagsuot nito ng hijab.