Nagpasa ang Iranian parliament ng panukalang batas na magpapalakas ng kanilang uranium enrichment.
Ang nasabing pagpasa ng panukalang batas ay kasunod ng pagpatay sa top nuclear scientist ng bansa.
Naglalayon ang panukalang batas na pagyamanin ang uranium enrichment nito ng 20% na mas mataas sa itinakdang limit na nakasaad sa nuclear deal sakaling hindi na-lift ang economic sanctions.
Nakakuha ito ng 251 na boto sa kabuuang 260 na mambabatas.
Kinontra naman ni Iranian president Hassan Rouhani ang nasabing panukalang batas kung saan ito ay nagbabalewala sa diplomasya ng bansa.
Isa kasi si Rouhani ang pumirma ng nuclear deal noong 2015 kasama ang ilang mga bansa.
Patuloy din dito ang panawagan niya sa US na bumalik sa nasabing kasunduan kung saan nag-withdraw si US President Donald Trump noong 2018.