Patuloy ang panawagan ng football team ng Iran sa FIFA World Cup 2022 na dapat ay tanggalin na ang US Soccer Federation.
Kasunod ito sa iniba nila ang watawat ng Iran sa mga social media platforms ng US soccer team.
Sa nasabing watawat ay tinanggal nila ang emblem ng Iran.
Ang nasabing hakbang aniya ng US ay bilang suporta sa mga protesters sa Iran kaya inilagay nila sa kani-kanilang mga social media platform ang nasabing kakaibang hitsura ng bandila ng Iran.
Ayon sa US Soccer na kaya nila ginawa ito bilang suporta sa mga kababaihan ng Iran.
Nanindigan ang mga ito na hindi sila nagsisisi sa kanilang hakbang.
Magugunitang nagbunsod ang kilos protesta sa Iran matapos ang pagkatamatay ng 22-anyos na si Mahsa Amini habang ito ay nasa kustodiya ng mga kapulisan ng Iran.