-- Advertisements --

Inakusahan ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi ang US at Israel ng patuloy na iligal na pag-atake.

Dagdag pa nito, na wala silang pakialam kung matamaan ang mga sibilyan sa ginagawa nilang pag-atake.

Hindi rin aniya titigil ang Iran na ipagtanggol ang kanilang bansa sa anumang pag-atake.

Nagbigay rin ito ng mga update sa giyera sa kanilang noong nakausap niya sa telepono si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.

Magugunitang nagsimula na ang pag-uusap ng mga kinatawan ng US at Iran para isulong ang peace plan.