-- Advertisements --

Dumepensa si International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach sa rekomendasyon nito na pagpayag sa mga Russian at Belarusian na lumahok sa mga international competitions.

Sinab nito na marami ang nagbago sa pagsali ng mga atleta mula sa nasabing mga bansa.

Giit pa nito na maging ang ilang mga bansa kung saan nagkakaroon ng mga international competitions ay pinapayagan nila ang mga Russia at Belarus players na maglaro.

Magugunitang ilang grupo ang nanawagan sa IOC na dapat pagbawalan ang mga Russian at Belarusian players na makasali sa 2024 Paris Olympics at maging sa lahat ng mga international sporting events dahil sa nagtulungan ang dalawang bansa para lusubin ang Ukraine.