-- Advertisements --

Inilabas ng global speed monitoring firm na Ookla na nakita nito ang pagbilis ng internet ng bansa noong buwan ng Marso.

Ayon sa pinakahuling datos ng nasabing speed monitoring frim, ang parehong mobile at fixed broadband ng Pilipinas ay bumilis.

Ipinakita nito na ang fixed broadband median download speed ng bansa ay tumaas sa 90.57 megabits per second (Mbps) mula sa 90.03 Mbps na nakarehistro noong Pebrero.

Ang pinakahuling fixed broadband download speed ay kumakatawan sa isang pagpapabuti ng 19.66% mula noong nagsimula ang administrasyong Marcos noong Hulyo 2022.

Tumaas din ang mobile median download speed sa 25.63 Mbps mula sa 24.58 Mbps noong nakaraang buwan.

Ang pinakabagong bilis ng pag-download ng mobile ay isang pagpapabuti ng 13.66% mula noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang pagtiyak sa pagpapabuti ng bilis ng internet ay nananatiling priyoridad habang hinihimok ng gobyerno ang mga telecommunications company na suportahan ang pagpapabilis ng digitalization ng mga maliliit na negosyo at serbisyo ng gobyerno.