-- Advertisements --

Nabuwag ng European police agency Europol ang international crime gang na gumagamit ng malware para magnakaw ng mahigit $100 m sa mahigit 40,000 na biktima sa buong mundo.

Modus ng grupo ang paggamit ng GozNym malware sa mga computers para mapasok ang mga bank accounts ang mga bikitma.

Karamihang mga biktima ay mula US, Bulgaria, Germany, Georgia, Moldova at Ukraine.

Nasampahan na ng kaso sa Pittsburg ang 10 miyembro ng grupo habang ang limang mga Russian naitonals ay nananatiling nakakalaya.