-- Advertisements --

Nanawagan ang mga mambabatas ng South Korea ng pagtanggal sa puwesto ng kanilang interior minister dahil sa mahinang tugon nila noong Itaewon crush.

Matinding pressure kasi ngayon ang kinakaharap ni Interior Minister Lee Sang-min at pinapanawagan na siya ay bumaba sa puwesto matapos ang insidente noong Oktubre 29 na ikinasawi ng 156 katao at ikinasugat ng 152 iba pa.

Nagpasa ng motion ang assembly na dapat bumaba na sa puwesto si Lee.

Nagbanta pa ang Democratic Party ng South Korea na kanilang ipapa-impeach ang interior minister kapag tinanggihan ni President yoon Suk-yoel ang kanilang motion.

Magugunitang nangyari ang insidente sa ginawang pagtitipon ng mga tao para sa pagdiriwang ng kanilang Halloween kung saan ito ang unang pagkakataon na isinagawa matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19.

Inamin ng mga kapulisan na masyadong marami ang bilang ng mga taong dumalo kumpara sa mga kapulisan.

Una na ring humingi ng paumanhin si Lee Sang-min sa nangyari kung saan labis itong nalungkot sa pangyayari.