May nakahandang laban na ang Japanese boxer na si Naoya Inoue matapos na talunin ang Pinoy boxer na si Marlon Tapales.
Inaayos na ng kampo nito ang mandatory WBC challenger kay WBC former two-divisioni boxer Luis Nery.
Ang Mexican na si Nery ay mayroong record na 35 panalo, isang talo na mayroong 27 knockouts habang si Inoue ay mayroon ng 26 panalo at wala pa ng talo na mayroong 23 knockouts.
Una ng sinabi ng Japanese boxer na nais niyang manatili sa junior featherweigth class hanggang sa pagtatapos ng 2024 kung saan mayroon ilang mga boksingero na nais niyang makaharap kung saan siya kumportable.
Magugunitang tinanghal na four-division champion si Inoue na mayr hawak ng WBC at WBO belts matapos ang 10th round knockouts kay WBA/IBF titlist Marlon Tapales para sa pag-unify ng kanilang 122-pound division.