-- Advertisements --

Naglaan ng higit sa P54 milyong piso ang European Union (EU) bilang humanitarian aid sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyong Mirasol, nando at Opong.

Sa isang pahayag, inihayag ng EU na ang pondo ay naglalayong magbigay ng emergency assistance sa mga residenteng nananatiling apektado sa mga naturang sama ng panahon na siyang nakapokus para sa pangangailangan ng mga residente gaya ng tahanan, kalusugan, tubig at iba pang basic needs nito.

Ayon naman sa Office of Civil Defense (OCD), halos 2 milyong mga mamamayan ang nananatili pa ring apektado sa mga nagdaang bagyo maging sa naging epekto ng habagat.

Maliban dito ay patuloy ding minomonitor ng EU ang mga kaganapan at kasalukuyang lagay ng mga residente sa Cebu bunsod naman ng naging epekto ng magnitude 6.9 na lindol sa lalawigan. Halos P3 bilyong piso na kasi ang kasalukuyang halaga ng mga danyos sa imprastraktura sa naturang probinsya.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay ang EU s mga pamilya ng mga biktima sa lindol at tiniyak na hnda silang magpaabot ng karagdagan pang tulong kung kakailanganin.