-- Advertisements --

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na bababa sa 2% ang inflation sa unang quarter ng 2024.

Ayon kay Diokno na sa hulin quarter ng taong ito ay papalo ng hanggang 4% ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Nitong nakaraang linggo lamang kasi ay ibinaba ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang kanilang inflation assumption ng 2023 sa 5% hanggang 6 % mula sa dating 7 % na inanunsiyo noong Abril.

Nakikita pa ng kalihim na kaya bumaba ang inflation ay dahil sa may paraan na ginagawa ang gobyerno para matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.