-- Advertisements --

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalaro lamang mula 3.5 hanggang 4.3 percent ang inflation ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa BSP na noong Enero ay bumagal sa 2.8 percent bago bumilis ito ng 3.4 nitong Pebrero.

Habang noong Marso ay naging 3.7 percent dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pagkain lalo na ang bigas.

Ang paghina ng peso kontra dolyar nitong Abril ay siyang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation.

Makokontrol lamang ito sa mababang presyo ng mga isda, gulay, prutas, mababang presyo ng kuryente ganun din ang rollback ng mga LPG.