-- Advertisements --
Bumagal pa ang inflation sa second quarter ngayong taon kumpara noong unang quarter ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr., ang inflation rate noong Abril hanggang Hunyo ay bumagal sa 3.0 percent mula sa dating 3.8 percent sa unang quarter ng 2019.
Mas mabagal din ito kung ikukumpara sa inflation sa kaparehong quarter noong nakaraang taon na 4.8 percent.
Una rito, target ng gobyerno ang dalawa hanggang apat na pursiyentong inflation sa ikalawang quarter ng taon.