-- Advertisements --

Inalerto at pinaalalahanan ng isang medical expert ang publiko na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng mga sakit na sumusulpot ngayong madalas ang pag-ulan at pagbaha.

Sinabi ni infectious disease expert, Dr.Edcel Salvaña na karaniwang lumalabas ang sakit na leptospirosis at ito anya ay nakukuha sa maruming tubig baha.

Ang sakit na ito anya ay nagdudulot ng kindney failure kaya pakiusap nito na hanggang maaari ay iwasan ang paglusong sa baha

Maliban naman anya sa leptospirosis ay dapat din iwasan ang banta ng iba pang mga water bourne diseases tulad ng diarhea, typhoid fever at dengue

Kung hindi naman anya maiiwasang lumusong sa baha ay makipag-ugnayan sa doktor o sa health care worker para agad mabigyan ng prophylaxis.