-- Advertisements --
Umakyat na sa 4,429,884 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa naturang bilang, 2,425,992 (98%) ang nasa mild condition at 45,921 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Ang Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umaabot sa 1,430,348 at 85,197 naman ang mga nasawi.
Sa record naman ng mga nasawi, pumalo na ito sa 298,174.
Habang may 1,659,797 na naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.