-- Advertisements --

Umaabot na sa 3,916,244 ang kabuuang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 2,255,338 (98%) sa mga pasyente ay nasa mild condition at ang 48,958 (2%) naman ay nasa serious o critical condition.

Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming nagpositibo na aabot sa 1,292,623 at ang mga nasawi ay 76,928.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 270,709 sa buong mundo.

Habang ang mga naka-recover naman ay 1,341,239, matapos ang gamutan at quarantine procedure.