-- Advertisements --
Umakyat na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa 10,242,932.
Sa nasabing mga kaso, 4,127,789 (99%) ay nasa mild condition at 57,670 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.
Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamataas na bilang ng COVID cases, kung saan umaabot na ito sa 2,637,077, habang ang mga namatay ay 128,437.
Sa worldwide record naman ay pumapalo na sa 504,366 ang mga nasawi.
Samantalang 5,553,107 naman ang mga naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















