-- Advertisements --
Umaabot na sa 11,941,783 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang 4,492,962 (99%) sa mga ito ay nasa mild condition, habang 58,196 (1%) naman ang serious o critical condition.
Sa mga bansa naman ay nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa dami ng coronavirus cases na sumampa na sa 3,097,084, at 133,972 naman ang mga nasawi.
Pumapangalawa sa talaan ang Brazil, pangatlo ang India, pang-apat ang Russia at panglima ang Peru.
Ang kabuuang bilang naman ng mga nasawi ay umaabot na sa 545,652, habang 6,844,973 ang mga naka-recover.