-- Advertisements --

Umakyat na sa 4,801,875 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa naturang bilang, 2,582,218 (98%) ang may mild condition at 44,817 (2%) naman ang serious o critical condition.

Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming bilang ng mga nagpositibo sa virus na pumapalo na ang bilang sa 1,527,664, habang ang mga nasawi ay 90,978.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa buong mundo ay 316,671.

At ang mga naka-recover ay 1,858,169, matapos ang gamutan at quarantine procedure.