-- Advertisements --

Pumalo na sa 4,525,420 ang mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 2,518,229 ang nasa mild condition at 45,560 naman ang nasa serious o critical condition.

Habang Estados Unidos naman ang bansang may pinakamaraming nagpositibo sa virus na aabot sa 1,457,593, habang ang mga nasawi sa kanila ay 86,912.

Sa buong mundo naman, 303,372 na ang recorded fatalities.

Samantalang naka-recover naman ang 1,703,808, matapos ang gamutan at quarantine procedure.