-- Advertisements --

Umakyat na sa 12,631,067 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 4,642,990 (99%) sa mga ito ay nasa mild condition, habang 58,697 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa mga bansa na may mataas na bilang ng COVID cases.

Umaabot kasi sa 3,291,786 ang mga infected sa kanila at 136,671 naman ang mga binawian ng buhay.

Samantala, pumapalo na sa 562,889 ang mga namatay sa buong mundo dahil sa naturang virus.

Habang ang mga gumaling naman ay umaabot na sa 7,366,491.