Lumakas pa ang tropical storm Ineng.
Sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 585 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay ito bilis na 85 kilometer malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 105 kph.
Itinaas naman sa signal number ang mga sumusunod: Batanes, Isabela, Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.
Makakaranas ng malakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Island, Ilocos Norte at Apayao.
Habang makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, Cavite, Batangas, Mindoro province, northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Island, ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Inaasahang makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon gabi ng Sabado.