-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si Indonesian President Joko Widodo nitong Martes ng gabi para sa tatlong araw na official visit sa Pilipinas na layong palakasin pa ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Bandang alas-8:05 ng gabi kanina ng lumapag ang eroplanong sinakyan ni Widodo sa Maharlika Presidential Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan malugod siyang sinalubong ng mga opisyal ng Pilipinas na pinangunahan ni Secretary Carlito Galvez, Philippine Ambassador to Indonesia, Ambassador Gina A. Jamoralin, Undersecretary Reichel P. Quiñones at Pasay City Mayor Imelda G. Calixto-Rubiano.

Sinalubong din si Widodo ni Ambassador of the Republic of Indonesia, H.E Agus Widjojo at Madame Ranny Moerni Cahyani kasama ang Defense Attaché Col. Bambang Wijonarko at Fransisca Donna Carmelita.

Nakatakdang magpulong bukas sina Pang. Ferdinand Marcos Jr at President Widodo sa Malakanyang.

Mananatili sa bansa si Widodo hanggang sa Huwebes January 11,2024.