-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang ginawa nitong tila pagpapalit ng pangalan ng kanilang bansa.

Kumalat kasi ang larawan ng invitation kung saan doon gagawin ang G20 Summit sa darating na Setyembre 9 na ang imbes na nakalagay ang President of India ay inilagay ang President of Bharat.

Ang nasabing bansa kasi ay opisyal na kilala sa dalawang pangalan na India at Bharat.

Ang Bharat ay isang makalumang Sanskrit na salita kung saan ayon sa mga eksperto na ito ay mula pa mga sulat ng HIndu.

Sinabi ng partido ni Modi na Bharatiya Janata Party (BJP) na nais lamang ng kanilang pinuno na mailayo sa kolonyalismo ang kanilang bansa.

Ang salitang India kasi ay ipinakilala ng British colonials at ito umano ay simbolo ng pagiging alipin.

Kinontra naman ito ng mga opposition leader ng India kung saan nasi umano isulong ni Modi ang kaniyang personal na agenda.