-- Advertisements --

Binisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang bayan ng Morbi sa Gujarat kung saan nangyari ang pagkaputol ng tulay na ikinasawi ng 135 katao.

Sinabi nito na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente at kanilang pananagutin ang mga nasa likod nito.

Pinuntahan din ito ang mga biktima na nagpapagaling sa mga pagamutan matapos magtamo ng sugat ng mahulog sa tulay.

Ang 754 talampakan na tulay ay itinayo noon pang 1870 sa pamamahala ng Britanya.

Inaayos ito ng ilang buwan at noong nakaraang linggo ay kanilang binuksan ito sa publiko.

Magugunitang bumagsak ang tulay kung saan marami ang nasawi matapos mahulog sa Machchu river.

Naaresto na nila ang siyam katao na gumawa ng tulay para imbestigahan sa insidente.