KORONADAL CITY – Nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ng isang Indian national matapos na magpakamatay.

Ayon sa President Quirino PNP, natagpuan na lamang ang bangkay ni Jadev Singh, isang lending businessman, sa taniman ng mga tubo sa bahagi ng Barangay Bayawa, President Quirino Sultan Kudarat kaninang tanghali.

Sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad uminom umano ng lason ang nasabing indiano na siyang ikinamatay nito.

Ngunit ayon sa mga kasamahan nito napakatagtataka lamang kung totoong nagpakatay ang biktima dahil hindi naman nila nakitaan ng kakaiba ito bago pa man ang insidente kahit pa na umano’y palugi na ang negosyo nito.

Napag-alaman na hindi na umano nagbabayad sa Indian national ang mga umutang sa kanya sa kadahilanang na-scam ang mga ito.

-- Advertisement --

Inaalam na din sa ngayon ng mga otoridad kung may foulplay ang pagkamatay nito.