-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng India ang kanilang Chandrayaan-3 rocket patungo sa buwan.
Ang nasabing misyon ay magkaroon ng paglapag ng rover sa southern pole ng buwan.
Posibleng makarating ito sa buwan ng hanggang Agosto 23.
Pinuri naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang space launch na siyang magdadala ng bagong kabanata sa space odyssey ng kanilang bansa.
Ang india na ang pang-apat na bansa na magkakaroon ng paglapag sa buwan kasunod ng US, Russia at China.