-- Advertisements --

Nagkasundo ang India at Sri Lanka na mapalakas pa ang kanilang ungnayan.

Sa ginawang pagbisita ni Sri Lanka’s President Ranil Wickremesinghe sa India ay natalakay nila ni Prime Minister Narendra Modi kung paano mapalakas pa ang ekonomiya ng dalawang bansa.

Naging malaking susi kasi ang India sa binigay nitong $4 bilyon para maisalba ang ekonomiya ng Sri Lanka noong nakaraang taon na nahaharap sa financial crisis.

Sa ginanap nilang economic partnership ay matitiyak na mapapalakas ang maritime, air, energy at people-to-people connectivity.