-- Advertisements --

Nakapanumpa na si Inday Sara Duterte-Carpion bilang ika-15 na bise presidente ng Republika ng Pilipinas.

Nanumpa ito sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando sa San Pedro Square in Davao City.

Suot ni Duterte-Carpio ang green Filipiniana na dinisenyo ni Davao-based designer Silverio Anglacer.

Kasama niya sa kanyang panunumpa ang kanyang amang si President Rodrigo Duterte at inang si Elizabeth Zimmerman.

Nasa inagurasyon din ang kanyang running mate noong May 9 elections na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr magin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pagkatapos manumpa ay pinirmahan naman ni Duterte-Carpio ang kanyang oath of office at nagbigay ng mensahe o ang kanyang inaugural address.