-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Inday na may international name na Muifa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), naging severe tropical storm na ito at maaari pang maging typhoon sa mga susunod na araw.

Huli itong namataan sa layong 730 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

May taglay itong lakas na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.