-- Advertisements --

Naniniwala ang incoming Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo “Fred” Pascual na resilient at madali lamang makabangon ang mga maliliit na negosyo o ang tinatawag na Micro, Small and Medium Enterprises.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, sinabi ni Pascual na noong panahon ng pandemic ay nakuha pa ring makabangon ng mga maliliit na negosyante.

Ito ay dahil ang ibang mga negosyante ay naghanap ng ibang pagkakakitaan para makabawi kahit sa kalagitnaan ng panahon ng pandemic.

Kasunod nito ay tiniyak naman ni Pascual na sa kanyang pag-upo ay pagtutuunan niya ang mga maliliit na negosyo na naapektuhan noong panahon ng pandemic.

Sa panayam sa isang negosyante dito sa Pasay City na si Carmen Garcia, bagamat hindi naman daw totally apektado ang kanilang negosyo sa kasagsagan ng pandemic ay bumaba talaga ang kanilang benta.

Dahil dito may hiling si aling Carmen sa papasok na administtasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos dahil masyado raw mataas ang presyo ng mga bilihin sa ngayon kayat nahihirapan di silang magbenta