-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng 16-anyos na binatilyo na biktima umano ng pangagahasa ng walong bading sa Brgy. Calumpang, Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rosie, ina ng biktima, sinabi nito na Agosto 25 ng umalis sa kanilang bahay ang anak na si Tonton upang tumungo sa boarding ng kaibigan nito na si John Ray.

Ayon kay Rosie, Agosto 26 na nang makauwi sa kanilang bahay si Tonton ngunit napansin nila na balisa, namumula ang mata, nagmumura at nilalagnat ito.

Inihayag ni Rosie na kanilang nabasa ang mensahe ni John Ray kay Tonton hinggil sa nangyari kung saan, nilasing at nilagyan ng pampatulog ang inumin ng biktima bago nangyari ang kahalayan.

Kaagad na isinailalim sa medical examination si Tonton at nakatakda itong ibigay sa otoridad para masampahan ng kaso ang walong suspek na nanatiling at large.