Labis ang kalungkutan ng beteranang actress Chanda Romero matapos ang pagpanaw ng ina nitong si Remedios ‘Meding’ Romero matapos na dapuan ng coronavirus.

Ayon sa actress, binawian ng buhay ang ina nito noong Hunyo 30 sa Cebu Doctors Hospitals.

Sa kaniyang Facebook account, nagpost ang actress ng larawan ng ina na may emosyonal na mensahe.

Isa pang ikinalungkot ng actress ay ang hindi nito pag-uwi sa Cebu para makita ang pag-cremate sa ina nito.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kapatid ng actress na si Marie sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang ina.